Saturday, May 23, 2009

Ako Mismo

I now rarely watch TV. Who needs TV when you have internet? XD So when I first saw the tv ad with people (ordinary and celebrities) saying their pledges, I just said "Ano yan?"

It didn't cross my mind again until a friend sent me a link while we were talking in Facebook. He told me to visit this site. I didn't mind the link. Anuba. Sabi ko pahingi ng energy pack para sa Mafia ko tapos sesend-an mo ko ng link? When the energy pack came, only then did I bother asking him what the link was. After an hour, I clicked the link.

What welcomed me into the site was the page asking for what I'll do. It was a fill-in-the-blanks pop quiz. "Ako mismo ____." Then it was asking for my name. Che. Hindi ako nagppledge at naglalagay ng pangalan ko ng basta-basta ano. Duhr. Pag pledge kasi d ba kelangan pinapanindigan?. Plus, i didn't even know how it works. Haha. (Plus, the screaming color red was such an eyesore.) I clicked the Wall of Commitments first. What were the celebrities saying in the ads? Si Chris Tiu, sya raw mismo magmamahal sa mga taga-La Salle?

When I got to the Wall, napa-"ano naman to?" ako with matching taas ng kaliwang kilay. "Ako mismo surf the site." "Ako mismo kaya ko to." "Ako mismo bibili ako nian!... astigg eh."

May mga makabuluhan naman, syempre. Mga tipong "Ako mismo susunod sa mga batas-trapiko." "Ako mismo, magsisilbi sa Pilipinas pagka-gradweyt ko." "Ako mismo, boboto sa 2010."

Pero ayun lang, yung iba trip lang yung pag-pledge. Kahit sabihin nating may mga (or maraming) seryoso.

As of now, 9:31pm, 118,041 ang total pledges sa site.

Hindi ako kasama sa pledges.

Syempre curious ako kung anong may pakana ng movement na ito. Hehe. Sabi sa 'Who's behind Ako Mismo?"


"The spirit behind AKO MISMO is DDB Cares, the corporate social responsibility arm of the DDB Group in the Philippines, a group of companies engaged in the business of communications. For many years now, DDB Cares has championed advocacies it firmly believes in: protecting the environment, supporting the rights of women, the education of children, voting responsibly, to name a few.
...
DDB Cares believes there is an urgent need to bring hope to Filipinos, particularly the youth, in the face of growing cynicism that is heightened by the current political, economic, social and moral crises.

We also believe that most Filipinos still desire change and would like to overcome the manifestation of hopelessness which is apathy. This change can emanate from the power of the individual contributing in small, meaningful ways and building up to a collective effort that can change the nation." 



Youth nga ang target nya. Advocacy. To change the nation.

-----
Kanina pinost ko sa Plurk, "Why are we so poor?" Hindi ko naman ineexpect na may someone na sasagot sakin in full detail na as if alam nya lahat tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas. Kaya ko lang naman pinlurk yun kasi kakatapos ko lang basahin yung librong kulay fuschia na ang title ay "Why are we so poor?" I remembered PolSci14 under Prof. Pilapil. Omigosh I remember these figures! Parang pinahang readings ng PolSci14!

Yes we're poor. Compared sa mga neighbors natin. Dati mas ok economy natin sa kanila. Pero ngayon... Projected din na in the long run, mas mapag-iiwanan pa tayo. Poor us. (kawawa tayo. mahirap tayo.) Ang sad.
-----

Ako? Anong gagawin ko?

1. Buy Pinoy. Pero let's face it, hanggang kaya lang. Kasi bilang import-dependent tayo, kahit sabihing dito yan gawa, yung materyales imported pa rin. So sinusuportahan pa rin ang imported goods. Tapos, mas mura ang gawang-China.

2. Boboto ako sa 2010. Di nga pa nga lang alam kung sino. At di pa pala ako registered.

3. Magreregister ako para makaboto sa 2010. haha

4. Magpapaka-tino ako sa pag-aaral para di nasasayang ang tax ng taumbayan. XD

5. Pagka-graduate ko, dito ako sa Pilipinas.

Tapos yung pagsunod sa mga batas, pagsunod sa mga magulang at authorities. Pagdadasal para sa bansa. Staying happy and hopeful.

May mga malalagay pala ako sa Ako Mismo,e. Bat nga ba ako di nagp-pledge?

Hoy hindi naman sa tinatamad ako. XP  Ano lang kasi... I can cite (or make up) a lot of reasons.
Ang point lang naman ay sabihin mo kung anong gagawin mo. Public declaration. Eh ano pa ba tong blog post na to? Ayoko ng redundant. lol.
Tapos di lahat seryoso. Ayoko na makihalo sa kanila.
Pag pledge kasi feeling ko obligado ako. I do things because I want to, not just because I'm obliged to do so.
At ayoko rin ng bandwagon.
Ayan may mga rason ako. Di mo ko mapipilit. haha

-----
from my multiply blog. I find it too long that I got lazy translating it to plain English (oh the code switching!).

friends